Liquidator ng mga sundalo arestado sa Datu Salibo

Bumagsak sa kamay ng batas ang isang pinaniniwalaang Bomb Expert na myembro ng teroristang grupong Bangsamoro Islamic Freedom Fighters at sinasabing myembro ng SOG na pumapatay sa mga off duty na sundalo sa SPMS box.

Kinilala ng 6th ID spokesperson Army Cpt. Arvin Encinas ang naaresto na si Mahadi Abdulla alyas Kumander Rok,27 residente ng Brgy Sambulawan Datu Salibo.

Sinasabing nahuli ito sa Brgy. Sambulawan pasado alas singko kahapon sa operasyon ng pinagsanib na pwersa ng 57th IB , 601st Brigade, Maguindanao PPO, MILF BIAF sa pangunguna ni Kumander Asraf ng 118th Base Command si ROK mula sa hanany ni Kumander Bunggos.


Sangkot sa mga pamamaslang ng mga sundalo at pambobomba sa mga convoy ng military si ROK dagdag ni Cpt Encinas sa panayam ng RMN COTABATO

Nakuha sa kanyang pag iingat ang isang Granada at isang sachet ng shabu

Facebook Comments