Kaugnay pa rin ng patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bayan ng Calasiao, muling nakipag-ugnayan ang alkalde sa pwersa ng pulisya, ito ay upang paigtingin pa ang mga ipinapatupad na mga alituntunin sa bayan. Kabilang dito ang striktong pagbabantay sa lahat ng entry at exit points ng Calasiao, paghihigpit sa itinalagang curfew hours at iba pang mga protocols.
Pinulong din dito ang mga barangay kapitan ukol sa pagpapatupad ng mas pinaigting na protocols gayong nakita ang pagtaas ng kumpirmadong kaso dito.
Kaugnay sa mga hakbang na inilagay inilabas ng lokal na pamahalaan ang mga executive order para mas sentralisadong guidelines ng bawat residente.
Nakasaad sa Executive Order No. 100 na ang pagdaraos ng mga social gatherings ay kailangan muna ng barangay permit sa lugar na paggaganapan nito habang ang Barangay Officials din ang magbabantay sa pagpapatupad ng health protocols.
Hindi rin dito pinahihintulutan ang paglabas ng mga bata edad 15 pababa at 65 pataas.
Sasailalim din naman sa Temporary Lockdown ang Calasiao Municipal Building hanggang August 31 o depende sa magiging desisyon ng Municipal Inter-Agency Task Force on COVID19 dahil sa panibagong kaso na naitala sa tanggapan mula sa isang empleyado.
Magpapatuloy naman sa serbisyo at sa normal operation ang MDRRMO, MENRO at ang POSO.
Sa bisa din ng Executive Order No. 105 Series of 2021 ay mahigpit na ipapatupad ang Liquor Ban sa pampublikong lugar. Maaari naman umanong bumili ng alak at inumin sa loob ng bahay at hindi din naman ipinagbabawal ang pagbibenta ng alak.
Nakita dito na marami sa mga tao na habang nasa inuman ay nakakaligtaan ang pagsunod sa protocols.
Nakasaad din sa Executive Order No. 106 na pagpapatupad ng bagong market schedule kung saan ito ay bukas mula Lunes hanggang Sabado, 4:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon. Sarado naman ito sa araw ng Linggo para sa regular disinfection. Ito ay dahil sa ang public market ay maituturing na high-risk area kaya dapat umanong limitahan ang dagsa ng tao.
Sa Executive Order No. 107 ay ipatutupad sa bayan ang Videoke/Karaoke Ban. Ang videoke o karaoke ay hindi pinapayagan sa mga pampublikong lugar o sa labas ng kani-kanilang tahanan.
Umaasa naman ang lokal na pamahalaan ng Calasiao na ito ay magiging epektibo para sa pagsiguro ng kaligtasan ng lahat mula sa virus.