Naniniwala ang pamunuan ng Taytay, Rizal Government na hindi pa napapanahon na pahintulutan ang magtinda ng mga alak sa kanilang bayan.
Ayon kay Taytay, Rizal Mayor Joric Gacula, nag-meeting silang mga alkalde tungkol sa usapin ng liquor ban at napagpasyahan nila na manatili pa rin ito sa kanilang lugar.
Paliwanag ng alkalde, kapag nalulong na sa bisyo ang isang tao, hindi umano nito mapipigilan na bumili ng alak at ang kinatatakutan nila na ang perang ibinigay ng pamahalaan ay mapunta lang sa alak at ito ang kanilang iniiwasan.
Dagdag pa ni Mayor Gacula, pagdating ng tamang panahon ay maibabalik din naman ang pagtitinda ng mga alak sa kanilang lugar.
Facebook Comments