
Ipinagbabawal muna ang pagbebenta at pag-inom ng alak sa paligid ng San Beda University at University of Santo Tomas (UST) sa Maynila.
Ito ay dahil magiging testing sites ang dalawang unibersidad sa isasagawang 2025 Bar Examinations sa susunod na buwan.
Batay sa nilagdaang Executive Order No. 41 ni Manila Mayor Isko Moreno, bukod sa liquor ban ay bawal din ang pagtitinda ng mga vendor, at iba pang nakagagambalang gawain gaya ng pag-iingay sa loob ng 500 metrong radius ng UST at San Beda.
Layon nitong masiguro ang tahimik, maayos, at ligtas na pagsasagawa ng Bar Exams.
Ipapatupad ang liquor ban mula hatinggabi ng September 6, 9 at 14 hanggang alas-10 ng gabi kinabukasan.
Gaganapin ang 2025 Bar Exams sa Sept 7,10 at 14.
Facebook Comments









