LIQUOR BAN IPATUTUPAD SA BOLINAO

Simula bukas epektibo na ang liquor ban sa lahat ng tourism sites at tourism establishments sa bayan ng Bolinao ngayong Semana Santa.

Alinsunod sa Executive Order No. 28. Series of 2025, mahigpit na ipinagbabawal ang pagbebenta at pag-inom ng alak sa mga pampublikong lugar, partikular sa mga resort, hotel, at transient accommodations.

Ipinagbabawal din ang pagdadala ng alak sa mga pampublikong pasyalan, at ang sinumang mahuling may dalang alak ay agad na kukumpiskahin ng mga kinauukulan.

Layunin ng ordinansang ito na mapanatili ang kaayusan at kapayapaan sa mga lugar na dinarayo ng mga turista sa bayan, lalo na sa panahon ng inaasahang dagsa ng mga bisita ngayong Semana Santa.

Magtatagal ang kautusan hanggang ika-20 ng Abril. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments