Liquor ban, ipatutupad sa lungsod ng Maynila mula October 29 hanggang November 2

Magpapatupad ng liquor ban ang pamahalaang lungsod ng Maynila para sa pagdaraos ng nalalapit na halalan at Undas.

Ibig sabihin, ang pagkonsumo at pagbebenta ng anumang uri ng nakalalasing na inumin ay mahigpit na ipinagbabawal sa lungsod.

Batay sa Executive Order No. 34 na nilagdaan ni Manila Mayor Honey Lacuna-Pangan, ang liquor ban ay epektibo simula October 29 hanggang November 2, 2023.


Ayon sa Manila LGU, ang naturang kautusan ay para sa mapanatili ang kapayapaan sa pagdaraos ng BSKE sa October 30, at sa All Saints’ Day at All Souls’ Day sa Nobyembre 1 at 2, 2023, hindi lang sa mga Manileño kundi maging sa mga kalapit na lungsod.

Facebook Comments