LIQUOR BAN, IPATUTUPAD SA SAN FERNANDO CITY DAHIL PAGTAAS NG KASO NG COVID-19

MULING magpapatupad ng Liquor Ban ang lungsod ng San Fernando sa probinsya ng La Union dahil sa biglaang pagtaas ng kaso ng COVID-19.

Sa inilabas na Executive Order No. 111 s.2021, simula ngayong araw, ika-5 ng Hulyo hanggang ika-15 ng Hulyo ipinagbabawal ang pagbebenta at pagkonsumo ng nakakalasing na inumin sa lungsod.

Istrikto ring ipatutupad ang curfew mula 11:00 ng gabi hanggang 5:00 ng umaga.
Ang sinomang lalabag sa naturang kautusan ay haharap sa kaukulang kaso.


Sa kasalukuyan mayroong ng 307 aktibong kaso ang lungsod na kung saan isa sa nakikitang dahilan ay ang hawahaan sa tahanan.

Facebook Comments