Liquor ban, mahigpit na ipinatutupad sa Mandaluyong City

Matapos na magpatupd ng liquor ban ang ilang lungsod sa Metro Manila, sumunod na rin ang Mandaluyong City.

Ayon kay Mandaluyong City Mayor Menchie Abalos, sa ilalim ng pinalabas na Memorandum Order No. 03, Series of 2021, pinaalalahanan ang mga negosyante na hindi muna sila maaaring magtinda ng nakalalasing na inumin o mag-deliver nito simula ngayong araw hanggang katapusan ng Marso ngayong taon.

Dagdag pa ni Mayor Abalos na hindi rin muna papayagan ang pag-iimbita ng mga bisita ng mga residente para sa drinking session, kahit pa umano ito’y nasa loob ng kanilang mga bahay.


Ang naturang hakbang ay upang makatulong na rin sa layunin ng pamahalaan na mapigilan pa ang pagkalat ng COVID-19 sa kanilang mga lugar.

Giit ng alkalde, mahigpit na tututukan ng Mandaluyong Philippine National Police at mga tauhan ng barangay ang pagpapatupad ng liquor ban upang matiyak na nasusunod ang naturang kautusan.

Facebook Comments