LIQUOR BAN, MULING IPATUTUPAD SA BINMALEY

Inihayag ng lokal na pamahalaan ng Binmaley, Pangasinan ang muling pagpapatupad ng Liquor Ban sa munisipalidad.

Sa inilabas na Executive Order No. 26, bawal muna ang pagbenta, pagbili at pag-inom ng alak sa mga pampublikong lugar o pribadong establisyimento ngunit sa bayan habang umiiral ang community quarantine.

Ang naturang kautusan ay bilang pag-iingat sa covid-19 at sa mas nakakahawang delta variant. Sa Provincial Health Office Watchlist ng lalawigan ika-walo ang bayan sa may pinakamaraming aktibong kaso na 32.


Ang establisyimentong lalabag sa kautusan ay nakatakdang bawiin o kanselahin ang kanilang business permit.

Facebook Comments