Liquor ban nanatili pa rin sa kabila ng ipinatutupad na GCQ sa Aklan

Kalibo, Aklan – Nanatili pa rin ang liquor ban sa kabila ng ipinatutupad na General Community Quarantine sa Aklan.
Base sa Section 10 ng Executive Order No. 23 na ipinalabas ni Aklan Governor Florencio T. Miraflores ay ipinagbabawal pa rin ang pagbenta at pagtransport kasama na rin ang pag-inum ng alak.
Pinahihintulutan lamang ang transportasyon nito kung ito ay mula sa distilleries o manufacturing firms papunta sa warehouse o distributors.
Dahil dito ang sino mang mahuhuli na nagbibinta, nagta-transport at umiinum ng alak ay maaaring maharap sa kaukulang penalidad base naman sa paglabag sa R.A. 11469 o ang Bayanihan to Heal as One Act.

Facebook Comments