Tiniyak ng DOH na walang epekto sa pondo ng gobyerno sa Universal Health Care ngayong taon ang napaulat na pagbaba ng collection ng pamahalaan mula sa sin tax dahil sa pinatutupad ngayon na liquor ban sa mga pangunahing lugar sa bansa.
Sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ang pondong nakalaan para sa universal health care ngayong 2020 ay kukunin mula sa collection ng sin taxes noong nakaraang taon.
Aniya, nakalatag na ang pondo para dito at walang dapat ikabahala ang mga Pilipino kahit marami pa ang nagpapatupad ngayon ng liquor ban na nagdudulot ng pagbaba ng sin tax collection.
Muli namang nanawagan ang DOH sa publiko na iwasan ang paninigarilyo at pag-inom ng alak dahil sa masamang epekto nito sa kalusugan na nagdudulot ng maraming sakit