Cauayan City, Isabela- Kasabay ng pagtatapos ng GCQ Bubble sa probinsya ng Isabela ay inalis na rin ang ilang patakaran sa ilalim ng Bubble set up gaya ng liquor ban, dine-in at iba pang guidelines na ibinaba ng IATF.
Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Atty. Elizabeth Binag, provincial information Officer ng pamahalaang panlalawigan ng Isabela, bagamat bahagyang niluwagan ang ilang guidelines sa pagsisimula ng GCQ ngayong araw, Abril 6, 2021 ay mahigpit pa rin na ipatutupad ang mga alituntunin alinsunod sa health standards at protocols sa ilalim ng GCQ.
Pinaalalahanan nito ang mga local travellers na huwag kalimutang magdala ng valid o company ID at sumunod pa rin sa minimum health standards.
Samantala, nakatakdang magkakaroon ng talakayan ang ilang mga doktor sa probinsya kaugnay sa ginagawang pagbabakuna at hinggil sa nangyaring pagkamatay ng isang healthcare worker na tumanggap ng bakuna at nagpositibo sa COVID-19.
Ayon pa kay Atty. Binag, iniimbestigahan na ang nasabing pangyayari ng ahensya ng DOH.