LIQUOR BAN SA LINGAYEN, EXTENDED HANGGANG SA SEPTEMBER 30

LINGAYEN, PANGASINAN – Extended ang pagpapatupad ng liquor ban sa bayan ng Lingayen kasunod ito ng pagpapatupad ng general community quarantine with heightened restrictions sa Pangasinan sa mandato ng IATF.

Huling linggo ng Agosto nang maipatupad ang bayan ng liquor ban hanggang sa ika-15 ng Setyembre bilang tugon sa tumataas na kaso ng COVID-19.

Sa pagsasailalim ng lalawigan sa GCQ with heightened restrictions, nagdesisyon ang LGU na palawigin ito hanggang sa ika-30 ng Setyembre ngayong buwan.


Nagpatupad din ng market and groceries schedule ang bayan ngunit ang araw ng Lunes ay itinalaga bilang no movement day upang bigyan daan ang pagsasagawa ng decontamination at disinfection sa palengke, plaza, parks, beach at iba pang lugar sa bayan.

Facebook Comments