Papayagan na ng Manila City Government ang mga negosyante na makapagbenta ng alak sa Maynila simula bukas.
Ito ay base sa inilabas na Executive Order #26 ni Manila Mayor Isko Moreno kung saan binabawi na ang ipinatutupad na liquor ban epektibo simula bukas June 8.
Kasunod nito, nilinaw naman ng Alkalde na hindi maaaring pagbentahan ang mga menor de edad at mahigpit pa rin na ipinagbabawal ang pag-iinom sa mga pampublikong lugar.
Ang Maynila ang isa sa mga huling lungsod na binawi ang liquor ban mula noong ibaba sa General Community Quarantine (GCQ) ang Metro Manila mula sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ).
Ayon pa sa Alkalde, marami rin siyang natatanggap na mga ulat ukol sa mga residenteng ipinambibili ng alak ang nakukuhang tulong pinansiyal mula sa pamahalaan.