Liquor ban sa Maynila, nagsimula na ngayong araw kasunod ng gaganaping Bar Examination bukas

Epektibo na ngayong araw ang liquor ban sa lungsod ng Maynila para sa gaganaping Bar Exams sa lungsod sa September 17, 20, at 24.

Batay sa executive order ng Manila LGU, ipatutupad ang liquor ban, 500 meters mula sa Unibersidad ng Sto. Tomas at sa San Beda University hanggang alas-10:00 ng gabi bukas, September 17.

Ang dalawang unibersidad na ito ay gagamiting testing sites para sa Bar Exams.


Maliban ngayong araw, ipatutupad din ang liquor ban sa September 19, Martes, simula alas-12:00 ng hatinggabi hanggang alas-10:00 ng gabi ng September 20, Miyerkules.

At sa susunod na Sabado, September 23, simula alas-1:2:00 ng hatinggabi hanggang alas-10:00 ng gabi ng September 24, Linggo.

Bawal din ang ambulant vendors sa mga testing area, malalakas na ingay tulad ng videoke machine at speakers na pasok sa 500-meter radius.

Hindi rin papayagan ang mass gatherings, parada, party, at iba pang assembly sa parehong lugar at oras.

Ngayong taon, inaasahang aabot sa halos 11,000 Bar Examinees sa buong bansa ang kukuha ng Bar Exams.

Facebook Comments