Liquor ordinance sa Davao, nananatiling epektibo ngayong holiday season

Muling pinaalalahanan ng awtoridad, kapuliksan, at 21st City Council sa Davao ang mga Dabawenyo na patuloy na ipinagbabawal ang pag-inom ng mga inuming nakakalasing sa mga pampublikong lugar kahit pa panahon ng Kapaskuhan at ng nalalapit na Bagong Taon.

Ayon sa Comprehensive Liquor Ordinance of Davao City, Ordinance No. 0489-24, Series of 2025, mahigpit na ipinagbabawal ang pag-inom ng alak sa mga kalsada, sidewalk, parke, at iba pang open areas na malayang na-a-access ng publiko.

Kasama rin sa ipinagbabawal ang pag-inom ng alcoholic beverages sa loob ng mga sasakyan na nakaparada sa tabi ng mga sidewalk.

Dahil dito, hinihikayat ang mga mamamayan na igalang at sundin ang naturang ordinansa, magpakita ng disiplina, at makiisa sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa Davao City.

Facebook Comments