
Sinuspinde ng Land Transportation Office (LTO) ng 90 na araw ang driver’s license ng Transportation Network Vehicle Service (TNVS) driver na umano’y nagtangkang saksakin ang kanyang pasahero.
Ayon sa Department of Transportation (DOTr), nakuhanan ng video ang TNVS na inDrive na sapilitang nitong pinababa at tinangkang saksakin ang kanyang pasahero.
Pinatatawag din ng LTO ang TNVS driver at ang may-ari ng sasakyan para ipaliwanag ang insidente sa East Avenue, Quezon City sa Monday, July 21.
Muli namang nagbabala si DOTr Secretary Vince Dizon sa mga TNVS drivers na may naghihintay sa kanilang mabigat na parusa kapag sinaktan o binantaan nila ang kanilang mga pasahero.
Facebook Comments









