
Binawi ng Philippine Contractors Accreditation Board (PCAB), ang lisensya ng siyam na construction companies na pag-aari ni Sarah Discaya.
Ito ay alinsunod sa Board Resolution No. 075, Series of 2025 na pinalabas ng PCAB.
Ayon sa PCAB, nalabag ng mga kumpanya ni Discaya ang mga batas sa procurement at licensing.
Una nang inamin ni Discaya sa pagdinig ng Senado na pag-aari nila ang siyam na construction companies kung saan sinasabing sangkot ang mga ito sa maanomalyang flood control projects.
Facebook Comments









