Cauayan City, Isabela- Makikipag ugnayan ngayong araw ng PNP Roxas sa Firearms and Explosive Division (FED) sa kampo Crame na kanselahin ang lisensya at permit to carry firearms ng mag-ama na nanutok ng baril sa isang tsuper sa Roxas, Isabela.
Ito’y matapos mag-viral sa social media ang video ng mag-ama na kinilalang sina Erwin Tabucol at King Sacramento Tabucol ng Brgy. San Rafael, Roxas, Isabela na may dala-dalang baril habang nakikipagbuno sa elf truck drayber na kinilalang si Jimmy Menor na taga brgy. Donya Concha sa nasabi rin bayan.
Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay P/Maj. Arthuro Cachero, OIC ng PNP Roxas, nangyari aniya ito noong ika-13 ng Oktubre at nag-ugat ang insidente matapos umanong hindi napagbigyan ng biktima na mag-overtake ang suspek na mag-ama.
Bagamat hindi na umano nagdemanda ang biktima matapos na makipag-usap at humingi ng tawad ang mag-ama sa biktima,kailangan parin itong ipa kansela dahil labag parin ito sa batas lalo na sa mga nagdadala ng baril upang hindi ito pamarisan ng iba.
Ayon pa kay P/Maj. Cachero. kung sakali umanong sasang-ayon ang FED sa kanilang kahilingan ay agad nilang aabisuhan ang mag ama na isuko ang kanilang mga baril.