Manila, Philippines – Hahayaan na lang ng Palasyo ng Malacanang ang Kongreso sa panukalang magkaroon ng lisensiya ang mga blogger bago magsimula sa kanilang mga blog.
Ito ang sinabi ng Malacanang sa harap na rin ng panukala ni Senador Manny Pacquiao na kailangang magkaroon ng lisensiya ang mga blogger para maprotektahan ang interes ng taumbayan at mapigilan ang sinoman na manira lamang sa isang tao.
Ayon kay Communications Assistant Secretary Ana Marie Banaag, prerogatibo ng kongreso ang paggawa ng batas kaya ito na ang bahala kung ano ang dapat na gawin.
Ang mahalaga lang aniya ay dapat mapangalagaan ang karapatan ng lahat na nakasaad sa Saligang Batas.
Pero sakali aniyang malabag ang karapatang pantao ay hindi talaga magkakasundo dito ang Ehekutibo at ang Lehislatibo.