
Tuluyan nang kinansela ng Land Transportation Office o LTO ang lisensya ng jeepney driver na sangkot sa malagim na aksidente sa bahagi ng Commonwealth Avenue sa Quezon City, noong April 13, 2025.
Matatandaan na ang trahedya ay nagbunga ng pagkasawi ng dalawang college students, at ikinasugat ng hindi bababa sa 16 na pasahero.
Ayon kay LTO Chief Atty. Vigor Mendoza II, ang driver ay “guilty” sa reckless driving at pinagmumulta rin ng maximum penalty sa ilalim ng batas na P2,000.
Umaasa naman si Mendoza na magsisilbi itong aral ukol sa road safety at disiplina sa kalsada.
Facebook Comments









