
Sinuspinde na ng Department of Migrant Workers (DMW) ang lisensya ng manning agency at ang rehistro ng principal ng mga Pilipinong marino na sakay ng MV Eternity C.
Kasunod ito ng paglubog ng MV Eernity C na may sakay na 21 Pilipino seafarers at isang foreign national matapos atakihin ng Houthi rebels sa Red Sea malapit sa Hodeidah, Yemen.
Sa Malacañang press brieifing, sinabi ni DMW Secretary Hans Leo Cacdac, hindi sila nasisiyahan sa naging resulta ng insidente, lalo’t may mahigpit na patakaran ang Pilipinas sa mga barkong bumabagtas sa Red Sea at Gulf of Aden na isang high-risk zone.
May mga umiiral aniya na regulasyon para sa deployment ng mga barko sa nasabing rehiyon na hindi sinunod.
Dagdag pa ni Cacdac, isasagawa ang malalim na imbestigasyon hinggil sa insidente at tiniyak na papatawan ng kaukulang parusa ang ship owner na lumabag sa mga polisiya.
Gayunman, iginiit niya na pangunahing prayoridad sa ngayon ang kaligtasan at kapakanan ng mga Pilipinong seafarers.









