Thursday, January 15, 2026

Lisensya ng mga engineers at mga sangkot sa palpak na flood control projects, pinatatanggal na ni Sec. Dizon sa PRC

Pinapatanggal na ni DPWH Sec. Vince Dizon sa Professional Regulation Commission (PRC) ang lisensya sa pagka-engineer nina Henry Alcantara at Brice Hernandez.

Bukod diyan, kasama rin sa pinatatanggalan ng lisensya ang mga sangkot na accountant at architect sa maanomalyang flood control project sa Bulacan.

Ayon kay Dizon, sa kabuuan ay nasa 20 engineers na sangkot sa palpak na proyekto ang nasampahan na nila ng kaso at ipinapatanggal na rin ang lisensiya sa PRC.

Dagdag pa ng kalihiim, sa mga susunod na araw ay may iba pang nakatakda rin kasuhan ng Independent Commission for Infrastracture (ICI).

Paliwanag ni Dizon, importante ang kooperasyon ng PRC kung saan sa nangyaring MOA signing at iginiit nito na makakatuwang nila ang PRC sa mga susunod na araw lalo na kapag muling naglatag ng proyekto ang DPWH.

Sinabi ni Dizon dito, ito ang isa sa paraan upang mapalakas pa ang koordinasyon ng DPWH at PRC para hindi na maulit pa ang ganitong uri ng insidente.

Facebook Comments