Lisensya ng recruitment agencies na nagpapadala ng mga minor abroad, ipapakansela

Nagbabala ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga recruitment agencies laban sa pagpapadala ng mga menor de edad abroad para makapagtrabaho.

Ito ay sa pamamagitan ng pamemeke ng edad ng biktima.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III – nadiskubre nila na isa sa 83 repatriated OFW galing Riyadh, Saudi Arabia ay isang 17-anyos at 15-anyos pa lamang ay nagtrabaho na bilang household service worker.

Sinabi ni Bello – ipapakansela niya ang lisensya ng ahensyang nagde-deploy sa minor.

Samantala, sagot naman ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang travel expenses ng mga repatriated OFW patungong Bahay Kalinga at Philippine Overseas Labor Office’s Halfway House.

Facebook Comments