Makaraang personal na humarap sa Philippine National Police (PNP) chief sa Camp Crame, inatasan ng Land Transportation Office (LTO) ang suspek sa insidente ng hit and run sa isang guwardiya na isuko ang kaniyang lisensya.
Kasunod naman ito ng pagkansela na ng LTO sa driver’s license ni Jose Antonio Sanvicente dahil sa kasong reckless driving at sa kabiguang humarap na dalawang magkasunod na pagdinig.
Ayon kay LTO-National Capital Region Director Clarence Guinto, ang pagsuko ng lisensya sa oras na iutos iisyu ang revocation nito.
Sa usapin ng pag-i-impound sa SUV na may plate number na NCO 3782, ng Highway Patrol Group na ang magpapatupad nito.
Nakikipag-usap na ang LTO sa PNP para sa pagkuha ng detalye sa pagsuko ng suspek.
Batay sa record ng LTO, tatlong beses nang nasangkot sa reckless driving si Sanvicente.