Ipinagharap ng Falsification of Public Documents ang aktor na si Douglas Errol Dreyfus Adecer o mas kilala sa pangalang Migo Adecer.
Si Adecer ay nasangkot kamakailan sa aksidente sa kalsada makaraang makasagasa ng mga tauhan ng MMDA sa bahagi ng J.P. Rizal Street, Barangay Poblacion, Makati City.
Ayon kay Makati City Chief of Police Rogelio Simon, nag-isyu ang LTO NCR ng sertipikasyon na peke ang lisensyang ipirinisinta ng aktor ng masangkot ito sa aksidente.
Kasunod nito sinabi pa ni Simon na posibleng masuspinde o maharap sa permanent revocation ng drivers license si Adecer dahil base sa rekord ng LTO nasangkot na ang aktor sa 4 na reckless driving cases.
Maliban dito nahaharap din ang aktor sa Resistance and Disobedience to Person in Authority makaraang pumalag habang inaaresto ng mga otoridad.
Nakalaya pansamantala ang suspek matapos magpyansa sa patung-patong na kasong kanyang kinahaharap.
Samantalang hindi naman na nagkaso ang mga nasagasaan nitong kawani ng MMDA matapos aregluhin.