Lisensya sa pagmamaneho ng motoristang si Jose Antonio Sanvicente na sumagasa sa guwardiya, lifetime nang kinansela ng LTO

491

Tuluyan nang kinansela ng Land Transportation Office (LTO) ang driver’s license ng SUV driver na si Jose Sanvicente na sumasaga sa isang security guard na nagmamando ng traffic sa Mandaluyong City.

Inilabas ng LTO ang desisyon ngayong hapon.

Batay sa desisyon ng LTO, ang SUV driver ay lifetime o hindi na kailanman maaaring makakuha pa ng driver’s license.


Napag-alaman din ng LTO na tatlong beses nang nahuli si Sanvicente dahil sa reckless driving noong 2010, 2015, at 2016.

Bukod pa rito ay inisnab din nito ang dalawang patawag ng LTO.

Facebook Comments