Lisensyadong COVID-19 laboratories sa bansa, umabot na sa 59

Umabot na sa 59 laboratoryo sa bansa ang maaaring makapagsagawa ng independent testing para sa Coronavirus Disease.

Batay sa COVID-19 Report ng Department of Health (DOH), mayroong 44 accredited Polymerase Chain Reaction (PCR) facilities at 15 GeneXpert laboratories.

Ang mga bagong laboratory na binigyan ng accreditation ay Green City Medical Center at Northern Mindanao TB Regional Center.


Mayroong 151 laboratoryo ang sumasailalim sa five-step accreditation process.

Sa ngayon, aabot na sa 467,564 individuals ang na-test para sa COVID-19, at 7% dito ay nagpositibo.

Sa huling datos ng DOH, aabot na sa 25,930 ang kaso ng COVID-19 sa bansa, 5,954 ang gumaling at 1,088 ang namatay.

Facebook Comments