Lisensyadong COVID-19 testing laboratories, umakyat na sa 56 – DOH

Umabot na sa 56 na laboratoryo sa bansa ang binigyan ng accreditation ng Department of Health (DOH) para makapagsagawa ng testing para sa COVID-19.

Ayon sa DOH, mayroong 42 Polymerase Chain Reaction (PCR) facilities at 14 GeneXpert laboratories.

Ang mga bagong pasilidad na binigyan ng sertipikasyon ay ang Bataan General Hospital at Oriental Mindoro Provincial Hospital.


Mayroong 147 na iba pang laboratoryo ang sumasailalim sa five-step accreditation process.

Sa ngayon, ang mga lisensyadong laboratoryo sa bansa ay nakapagsagawa na ng 425,734 individuals mula nitong June 9 kung saan 7% ang nagpositibo sa COVID-19.

Sa huling datos ng DOH, aabot na sa 23,732 ang COVID-19 cases sa bansa, 4,895 ang gumaling habang 1,027 ang namatay.

Facebook Comments