List of nominees para sa Bangsamoro Transition Authority, nakatakdang ipasa ngayong buwan

Nakatakdang isumite ngayong buwan ng Bangsamoro Transition Council o BTC kay Pangulong Rodrigo Duterte ang listahan ng mga nominado para sa bubuuing Bangsamoro Transition Authority o BTA.

Ayon kay Presidential Peace Adviser Carlito Galvez Jr., 80 miyembro ng BTA ang papa-aprubahan nila sa Pangulo.

Aniya, ang bubuuing BTA ang magiging senyales para maitatag ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o BARMM.


Facebook Comments