Listahan 3 na tutukoy sa mga mahihirap na pamilya, isasapinal na – DSWD

Isinasapinal na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang Listahanan 3 o ng ikatlong assessment ng mga mahihirap na Pilipino sa bansa.

Ayon kay DSWD Spokesperson Irene Dumlao, nasa huling yugto na sila ng proseso sa pagsasapinal ng listahanan para matukoy kung sino at nasaan ang mga mahihirap na kabahayan na nangangailangan ng tulong.

Aniya, ang listahanan para sa National Household Targeting System for Poverty Reduction ay isang information management system na magsisilbing database ng mga mahihirap na Pilipino.


Layon nitong mapabilis ang pagtukoy sa mga beneficiaries at pamamahagi ng anumang tulong mula sa pamahalaan.

Facebook Comments