Listahan na binigay ng DSWD sa Marikina para sa cash aid, mali-mali ayon kay Mayor Teodoro

27

Inihayag na Marikina Mayor Marcy Teodoro na mali-mali ang listahan ng mga beneficiaries ng emergency relief assistance na ibinigay ng Department of Social Welfare and Development o DSWD sa kanila.

Kaya nais niya itong paimbestigahan upang malaman kung ano ang nangyari sa nasabing listahan ng DSWD.


Isa sa nakikita ni Mayor Teodoro na mali sa listahan na ibinigay sa kanila ay nakalagay sa listahan ang head of the family at hindi ang bilang ng kasama sa pamilya.

Aminado ang alkalde na mas marami pa ang pila sa kanilang grievance and appeal desk o mga nagrereklamo.

Kaya naman anya ay napilitan silang magdadag ng tao upang ma accommodate ang bilang ng mga nagrereklamo kaugnay sa pamamahagi ng cash aid.

Pero tiniyak ng alkade sa mga nag reklamo na tutugunan nila ito at ipapa-validate muli nila ang nasabing listahan sa DSWD upang makatangap ng pera ang beneficiaries na naayon sa bilang ng miyembro ng pamilya.



Facebook Comments