Listahan ng 4Ps, pinapa-update ng isang kongresista; poverty rate at unemployment posibleng tumaas

Hiniling ni Deputy Speaker Mikee Romero sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Department of Finance (DOF) na i-recalibrate at i-update ang statistical references bukod sa ginagamit ngayon na 2015 Census sa pagtukoy ng mahihirap na pamilya.

Giit ni Romero, kailangang palawakin ang sakop ng 4Ps dahil tiyak na babalik sa higit 20% ang poverty rate o higit 4 million na mga pamilya matapos ang krisis.

Nagbabala pa si Romero na posibleng dumoble ang unemployment rate sa buong taon kapag hindi nakabalik sa trabaho ang mga manggagawa dahil sa epekto ng COVID-19 crisis.


Paliwanag ng kongresista, importante ang 2020 Census dahil kakailanganin ito ng Kongreso at ng gobyerno sa adjustment ng susunod na budget gayundin sa calibration ng COVID-19 measures.

Ayon pa sa mambabatas, mayroon ng resulta ang Philippine Statistics Authority (PSA) ng 2018 Family Income and Expenditure Survey na maaaring magamit ng DSWD at DOF para remedyuhan ang poverty data sa paggawa ng bagong calculations.

Sa ganitong paraan ay masasakop ang dagdag na mga pamilya sa mabebenepisyuhan ng Social Amelioration Program (SAP).

Facebook Comments