
Pinuna ni Navotas City Rep. Toby Tiangco kung bakit hindi pa rin inilalabas sa official website ng Kamara ang listahan ng alokasyon ng pondo ng Department of Public Works and Highways (DPWH) para sa bawat congressional district sa ilalim ng panukalang 2026 National Budget.
Sabi ni Tiangco, October 13 pa niya hiningi ang nasabing listahan kasama ang mga aprubadong project request ng party-list representatives.
Binanggit ni Tiangco na October 20 naman ay sumulat pa sya kay Nueva Ecija Rep. Mika Suansging, chairman ng House Committee on Appropriations, hinggil dito pero hanggang ngayon ay wala pa syang natatanggap na update.
Paliwanag ni Tiangco na mahalagang maisapubliko ang hiling nyang listahan para makita ng mamamayan kung ano ang mga isinusulong na proyekto ng mga mambabatas.
Diin pa ni Tiangco, ang naturang listahan ay dapat bahagi ng transparency na isinusulong para sa proseso ng budget.









