Listahan ng bagong tagapagsalita ng NTF-ELCAC, inilabas na

Inilabas na ni National Task Force to Local Communist Armed Conflict (NTF- ELCAC) Vice Chairperson and National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr., ang listahan ng mga bagong tagapagsalita ng ahensiya.

Itinalagang spokesperson sina Department of the Interior and Local Government Usec. Jonathan Malaya; Presidential Human Rights Committee Secretariat Sec. Severo Catura, Presidential Task Force on Media Security Executive Director Joel Egco, Metropolitan Manila Development Authority Spokesperson Celine Pialago, Atty. Marlon Bosantog at Gaye Florendo.

Samantala, mananatili namang spokesperson sina Army Lieutenant General Antonio Parlade Jr., at Presidential Communications Operations Office Usec. Lorraine Badoy.


Matatandaang nitong Marso, inirekomenda ng Senado na tanggalin si Parlade bilang NTF-ELCAC spokesperson dahil sa red-tagging at posisyon na labag sa batas.

Facebook Comments