Listahan ng bakunang isasalang sa WHO solidarity trial, posibleng ilabas sa susunod na buwan – DOST

Maaaring ilabas ng World Health Organization (WHO) ang listahan ng mga bakuna at patakaran nito para sa solidarity trials for vaccines sa susunod na buwan.

Ayon kay Department of Science and Technology (DOST) Secretary Fortunato de la Peña, ang mga indibidwal na ire-recruit para sa solidarity trial ay kukunin mula sa lima hanggang sampung barangay na may mataas na kaso ng COVID-19.

Mahalaga aniya ito para malaman ang bisa ng bakuna, kaya mas mainam na isinasagawa ito sa mga lugar na mayroong high occurrence o attack rate.


Dagdag pa ni de la Peña, ang solidarity vaccine trials ay pangungunahan ng Philippine General Hospital bilang main implementer at mayroon ding 12 ospital ang pinili bilang trial sites.

Bukod dito, nakikipagnegosasyon din ang Pilipinas sa iba pang international vaccine developers partikular sa 17 vaccine developers mula China, Estados Unidos, Taiwan, Japan, Australia, Russia at India.

Mula sa 17, anim ang lumagda na ng Confidentiality Disclosure Agreements (CDA).

Facebook Comments