Listahan ng establisyimentong pwedeng mag-operate ng negosyo sa Boracay, inilabas

Naglabas ng panibagong listahan ang Boracay Inter-Agency Task Force (BIATF) na naglalaman ng lahat ng mga establishment na binigyan nila ng pahintulot na mag-operate ng negosyo sa isla.

Sa updated list ng Department of Tourism (DOT), aabot na sa 353 accommodation establishments na may kabuuang 12,907 rooms ang accredited ng ahensya na maaaring matuluyan ng mga turista at bakasyunista sa isla.

Muli namang nagpaalala ang BIATF sa mga gustong pumunta sa isla na ang mga hotels and resorts na nasa listahan lamang ng DOT ang maaaring tumanggap ng bookings at reservations para sa ilang araw na bakasyon.


Sa ngayon ay limitado pa rin sa 6,405 ang bilang ng mga turistang pinapayagang makapasok sa isla bawat araw.

Nabatid na kailangan munang kumuha ang mga establishment owner ng permits at clearances gayundin din iba pang requirements mula sa Department of Interior and Local Government (DILG), Department of Environment and Natural Resources (DENR) at DOT bago pahintulutan ang mga ito na makapag-operate ng kanilang negosyo.

Facebook Comments