Listahan ng halos 3-libong repatriated OFWs na nagnegatibo sa RT-PCR test, inilabas na – PCG

Inihayag ng pamunuan ng Philippine Coast Guard (PCG) na karagdagan pang 2,974 na mga Overseas Filipinos Workers (OFWs) na dumating sa bansa ang nagnegatibo sa COVID-19.

Ayon sa PCG, ang listahan ng mga OFWs at non-OFWs ay inilabas ng Sub-Task Group for the Repatriation of OFWs ay base sa kanilang RT-PCR Test results.

Pinapayuhan ang mga returning OFWs na kasama sa listahan na makipag ugnayan sa PCG at Overseas Workers Welfare Association (OWWA) personnel sa quarantine facility para maproseso agad ang kanilang pag uwi sa kani-kanilang lalawigan o lungsod.


Lahat ng Quarantine Clearances ay ipagkakaloob sa kanila sa Paranaque Integrated Terminal Exchange (PITX) at Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2.

Base sa datos ng PCG, ang karagdagang listahan na may 1,611 na negative RT-PCR Test results ay inilabas lamang kahapon.

Habang ang latest version ng PCG master list na may 62,099 na negative RT-PCR Test results ay inilabas naman noong June 12, 2020.

Facebook Comments