Manila, Philippines – Hinihingi na ng PNP sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang listahan nito ng mga Small Town Lottery operator.
Bahagi ito ng kampanya ng PNP kontra-iligal na mga sugal.
Kung may listahan aniya ang PNP, mas madali nilang mamo-monitor ang mga STL na legal at iligal na nag-ooperate.
Sa press conference kanina sa Camp Crame, muling nanawagan si PNP Spokesperson Sr./Supt. Dionardo Carlos sa mga lehitimong STL operator na huwag salbahin ang mga naaaresto nilang ‘STL bookies’.
Matatandaang binigyan ng 15 araw na ultimatum ni PNP Chief Ronald Dela Rosa ang mga regional director para wakasan ang illegal gambling sa bansa.
Facebook Comments