LISTAHAN NG MAHIHIRAP NA PAMILYA SA ANGADANAN, IBINIGAY NG DSWD F02

Cauayan City – Matapos ang pormal na paglagda sa Data Sharing Agreement, ibinahagi ng Department of Social Welfare and Development Office 02 ang listahan ng poor households sa LGU Angadanan.

Pinangunahan nina Regional Director Lucia Suyu-Alan at Municipal Mayor ng Angadanan na si Joelle Mathea Panganiban ang naturang Data Sharing Agreement kung saan ang naturang listahan ang magiging basehan pagdating sa pagpili ng mga nararapat na maging benipisyaryo ng mga social protection programs na inilulunsad sa naturang bayan.

Upang maprotektahan at magamit ng wasto ang mga impormasyon na nakapaloob rito, nagbahagi ng kaalaman sa kawani ng LGU Angadanan si Regional Information Technology Officer Matthias James Ryan Tangonan.


Samantala, ang bayan ng Angadanan ay ang ika-siyam na munisipalidad sa buong lalawigan na mayroong Data Sharing Agreement sa pagitan ng DSWD Field Office 2.

Facebook Comments