Listahan ng mga aalisin at bagong miyembro ng 4Ps, target mailabas ng DSWD sa Setyembre o Oktubre!

Inaasahang ilalabas ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang listahan ng mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4s) na maaalis at maidadagdag sa buwan ng Setyembre o Oktubre.

Ayon kay DSWD Assistant Secretary Romel Lopez, nagsasagawa na sila ng validation sa 1.3 million beneficiaries na itinuturing nang “non poor” at hindi na kwalipikado para makatanggap ng cash assistance sa gobyerno sa ilalim ng 4Ps.

Kabilang sa mga aalisin ng DSWD sa listahan ng 4Ps ay ang mga sumusunod:


• Pamilyang wala ng anak na edad labing walong taong gulang pababa o nag-aaral.
• Ang mga sumusweldo ng P12,000 pataas kada buwan
• Ang mga pamilyang lumampas na sa 7-years duration ng programa
• Ang mga hindi sumusunod o may mga paglabag sa patakaran ng 4Ps.
• At mga pamilyang nag-waive na bilang miyembro ng programa.

Una nang tiniyak ni DSWD Sec. Erwin Tulfo na mahigpit na paiiralin ang mandato ni Pangulong Bongbong Marcos na linisin ang listahan at ilagay ang mga kwalipikadong benepisyaryo sa 4Ps.

Facebook Comments