Listahan ng mga bansang may mababang COVID cases, inilabas ng IATF

Inilabas na ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang listahan ng “green countries” o mga bansa at teritoryong may mababang kaso ng COVID-19 para sa pinaiksing quarantine period ng mga uuwing fully vaccinated na Filipino sa Pilipinas.

Kabilang sa mga bansang ito ay ang mga sumusunod:

• Albania,
• American Samoa,
• Anguilla,
• Antigua at Barbuda,
• Australia,
• Benin,
• Belize,
• The British Virgin Islands,
• Brunei,
• Burkina Faso,
• Burundi,
• Cayman Islands,
• Chad,
• China,
• Cote d’ Ivoire (Ivory Coast),
• Eswatini,
• Falkland Islands,
• French Polynesia,
• Gambia,
• Ghana,
• Greenland,
• Grenada,
• Hong Kong,
• Iceland,
• Isle of Man,
• Israel,
• Laos,
• Liberia,
• Malawi,
• Malta,
• Marshall Islands,
• Mauritius,
• Micronesia,
• Montserrat,
• Morocco,
• Mozambique,
• New Caledonia,
• New Zealand,
• Niger, Nigeria,
• Northern Mariana Islands,
• Palau,
• Rwanda,
• Saba,
• Saint Barthelemy,
• Saint Kitts at Nevis,
• Saint Pierre at Miquelon,
• Sierra Leone,
• Senegal,
• Singapore,
• Sint Eustatius,
• South Korea,
• Taiwan,
• Togo,
• Turks at Caicos Islands(UK),
• Vietnam


Sakop ng pinaikling quarantine period ang pitong araw na quarantine para sa mga bakundong Filipino na uuwi sa bansa.

Isasailalim din ang mga ito sa RT-PCR test sa ika-5 araw ng pagdating ng bansa pero kahit pa negatibo ang resulta ng kanilang swab test, kailangan pa rin nilang tapusin ang pitong araw sa loob ng quarantine facility.

Kikilalanin ng gobyerno ang Philippine Overseas Labor Office (POLO) validations bilang patunay na nagkatanggap na ng kumpletong dose ng COVID vaccine ang mga uuwing overseas Filipino Workers (OFWs).

Tatanggap ang POLO ng aplikasyon simula Hulyo 5.

Makukuha rin ng mga OFW ang green lane kung makapagpresenta ng International Certificates of Vaccination at iba pang requirement.

Facebook Comments