Mula sa dating 51 mga bansa, nasa 37 mga bansa na lamang ngayon ang sakop ng green list.
Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque sa pinakitang bagong Inter-Agency Task Force (IATF) Resolution muling nirebisa ang mga nasa green list.
Kabilang dito ang Albania, American Samoa, Anguilla, Australia, Benin, Bosnia and Herzegovina, Brunei, Burkina Faso, Cameroon, Cayman Islands, Chad, China, Comoros, Cote d’ Ivoire (Ivory Coast), Djibouti, Equatorial Guinea, Falkland Islands, Gabon, Grenada, Hong Kong (Special Administrative Region of China), Hungary, Mali, Federated States of Micronesia, Montserrat (British Overseas Territory), New Caledonia, New Zealand, Niger, Nigeria, Northern Mariana Islands, Palau, Poland, Romania, Saint Pierre and Miquelon, Slovakia, Sudan at Taiwan.
Base sa mga naunang IATF Resolutions ang mga pasaherong fully vaccinated na galing sa green list ay kinakailangang sumailalim sa 7-day facility-based quarantine at RT-PCR testing sa ikalimang araw ng pagdating.
Una nang tinukoy ng IATF ang green countries bilang mga bansa sa mundo na may mababang bagong kaso ng COVID-19 at may mataas na vaccine deployment o marami na ang nabakunahang mamamayan.