Listahan ng mga barangay sa buong bansa na isinailalim sa ‘areas of concern’ para sa BSKE, inilabas na ng COMELEC

Inilabas na ng Commission on Elections (COMELEC) ang listahan ng mga barangay sa buong bansa na nasa ilalim ng kanilang areas of concern para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).

Ayon kay Commissioner in Charge for Committee on the Ban on Firearms and Safety Concerns Aimee Ferolino, nasa 242 barangays ang nasa ilalim red category.

Sa naturang bilang, 147 dito ay nasa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) habang 8 bayan naman sa Libon, Albay at 21 bayan sa Malabang, Lanao del Sur ang nasa ilalim din red category.


Ibig sabihin nito, sila ay deklaradong areas of concern na mayroong mainit na labanan ng mga kandidato at pagkakaroon ng mga private armed groups.

1,257 na barangay naman ang inilagay sa orange category at 1077 naman sa yellow category.

Ayon kay Ferolino, posibleng madagdagan pa ang bilang ng mga areas of concern habang papalapit ang halalan.

Samantala, sa ngayon tanging ang Negros Oriental lamang ang nasa ilalim ng COMELEC control.

Facebook Comments