Listahan ng mga bibigyan ng ayuda, kulang ayon kay Cayetano

359

Iginiit ni House Speaker Alan Peter Cayetano na kulang ang listahan ng mga mabibigyan ng cash assistance ng pamahalaan mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).


Ayon sa Speaker, 54.71% lamang o 1.788 Million na pamilya sa Metro Manila ang makikinabang sa social amelioration program sa ilalim ng Bayanihan to Heal as One Act.

Duda si Cayetano na higit pa sa naturang bilang ang totoong nangangailangan ng emergency cash subsidies ng pamahalaan.

Base sa datos kanyang hawak, P106.9 Million ang kabuuang halagang ilalabas ng pamahalaan para sa unang tranche ng social amelioration program para sa nasa 18 million na mahihirap na pamilyang Pilipino.

Sa naturang halaga, mahigit P14 million ang hahatiin sa tig-P8,000 at ipapamahagi sa mga natukoy na mahihirap na pamilya sa National Capital Region (NCR).

Pero para kay Cayetano, kulang ang para sa totoong bilang ng mga nangangailangan ng naturang emergency cash subsidy.

Dahil dito, kinalampag ni Cayetano ang DSWD para ayusin ang listahan nang mabibigyan ng cash assistance ng gobyerno partikular ang mga dapat mabigyan ng forms para sa social amelioration card na hindi pa kabilang sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).




Facebook Comments