Listahan ng mga botante para sa Eleksyon 2022, isasapubliko na ng COMELEC sa Abril

Bubuksan ng Commission on Elections (COMELEC) ang libro o listahan ng mga botante sa buong bansa simula sa Abril 18 hanggang 29.

Ayon kay COMELEC Commissioner George Garcia, maaaring tignan ng mga botante naturang libro na gagamitin sa loob ng mga presinto at ang mga listahan na ipapaskil sa labas ng mga presinto sa araw ng halalan.

Kung kasama aniya ang pangalan ng isang tao sa libro sa loob ng isang presinto o sa election day computerized voters list (EDCVL) ito ay papayagang bumoto habang ang mga wala sa naturang listahan ay hindi makakaboto kahit pa kabilang ang pangalan nito sa listahang nakapaskil sa labas ng presinto o posted computerized voters list (PCVL).


Maaari kasing magkaroon ng irregularities kung hindi magtutugma ang EDCVL at PCVL dahil may posibilidad na may magtangkang palitan ang listahan na nasa labas ng presinto upang mailto ang mga botante.

Dagdag pa ni Garcia na maglalabas din ng voter’s information sheet ang COMELEC.

Samantala, kinakailangan namang ituloy ng komisyon ang paggawa ng voter’s ID pagkatapos ng Eleksyon 2022.

Facebook Comments