Posibleng ilabas ng Comelec ngayong linggo ang pangalan ng mga kwalipikadong kandidato para sa 2019 elections.
Ito ay matapos na hindi makapasa sa final screening ng Comelec ang labing-dalawang senatorial aspirants para sa 2019 elections.
Sinabi ni Comelec Spokeman James Jimenez na mula sa 152 na senate aspirants, bumaba na ito sa 140.
Tumanggi naman si Jimenez na pangalanan ang mga na-disqualify na kandidato.
Pagdating naman sa party-list representation, sinabi ng opisyal na ang mga kwalipikadong party-list groups ay umabot na lamang sa hindi bababa sa 100 mula sa naunang bilang na 185 na naghain ng Certificate of Nomination and Acceptance (CONA) noong Oktubre.
Facebook Comments