Listahan ng mga karapat-dapat iboto sa 2022 election, ilalabas ni Pangulong Duterte

Maglalabas ng listahan si Pangulong Rodrigo Duterte ng kaniyang mga kandidato na karapat-dapat iboto ng publiko sa eleksiyon sa 2022.

Kasabay na rin ito ng pagkwesitiyon ng pangulo sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee sa maanomalyang COVID-19 supplies na binili mula sa Pharmally Pharmaceutical Corporation.

Ayon kay Pangulong Duterte, dapat nang tanggalin ng publiko ang kaugalian iboto ang mga matatagal na sa pwesto at wala namang ginagawa para sa bansa.


Ilan sa binigyang-suporta ng pangulo na bubuo sa senatorial slate ng Partido Demokratiko – Pilipino – Lakas ng Bayan o PDP-Laban ay sina;

• Former Information and Communications Secretary Gregorio Honasan III
• Former Agrarian Reform Secretary John Castriciones
• Former Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo
• Former Presidential Anti-Corruption Commission Commissioner Greco Belgica
• Former public works Secretary Mark Villar
• Sagip partylist Representative Rodante Marcoleta
• Veteran broadcaster Rey Langit
• Actor Robin Padilla

Sa ngayon, welcome na para kay Pangulong Duterte ang desisyon ng Senate Blue Ribbon Committee na hamunin ang Supreme Court na patunayan ang legalidad ng kaniyang utos na huwag dumalo sa pagdinig ang kaniyang mga gabinete.

Sa pamamagitan kasi aniya nito ay masasagot na ang anumang pagkwestiyon sa kaniyang kapangyarihan.

Facebook Comments