Inilabas na ang pangalan ng mga kwalipikadong old scholars na pasok sa Scholarship Program ng Dagupan City matapos itong madelay ng ilang buwan.
Ayon sa accounting office, ilang lamang umano sa dahilan bakit ito natagalan ay dumaan pa sa masusing proseso ang mga required documents na isinubmit ng mga dating scholars tulad na lamang ng Certificate of Indigency, Certificate of Residency, at ang pag verify sa mga ipinasang grado kung may mga failing grades ba ang mga ito.
Sumusunod lamang umano ang ahensya sa old ordinance na 2210-2020 na lahat ng pondong irerelease ay kinakailangang walang nalabag sa panuntunan kung hindi ay magiging illegal expenditures ito.
Samantala, plano na itong irelease ngayon araw ng Lunes, March 6, 2023 sa CSI Stadia at hinihintay na lamang ang confirmation ng administrasyon upang maipamahagi na rin sa 781 na mga kabataang Dagupeño ang pinakahihintay nilang Scholarship. |ifmnews
Facebook Comments