Inilabas na ng Department of Health (DOH) ang listahan ng mga lugar na mayroong pinakamataas na kaso ng COVID-19.
Ayon sa DOH, nangunguna dito ang Quezon City na mayroong 730; City of Manila na mayroong 449; Baccor City na may 366; Caloocan na may 322; Makati na may 317 at Taguig na mayroong 312.
Sumunod naman dito ang; Parañaque na may 310; Muntinlupa na may 305; Cebu na may 287 at Valenzuela na may 278.
Sa ngayon, inilagay na ng DOH ang 11 lungsod sa Metro Manila sa highest alert level dahil sa tumataas na kaso ng COVID-19 at hospital bed utilization.
Kabilang dito ang mga nasa Alert Level 4 na Las Piñas, Malabon, Makati, Marikina, Muntinlupa, Navotas, San Juan, Pateros, Quezon City, Taguig, at Valenzuela.
Facebook Comments